Tinanghal muli ang Ateneo de Manila University (AdMU) bilang top university sa Pilipinas, batay sa Times Higher Education’s (THE) World University Rankings 2024.
Sa kabila nito, bumaba sa 1001-1200 bracket ang AdMU mula sa 351-400 noong nakaraang taon.
Pababa rin ang ranking ng University of the Philippines (UP) mula sa 801-1000 patungong 1201-1500.
Gayundin ang De La Salle University (DLSU) mula sa 1201-1500 bracket patungong 1501+ bracket.
Umakyat naman sa top 4 sa 1501+ bracket ang University of Santo Tomas (UST).
Kasama sa THE World University Rankings 2024 ang 1,904 na unibersidad mula sa 108 na bansa at rehiyon.
Samantala, nanatili sa No. 1 spot sa mga unibersidad sa buong mundo ang University of Oxford, sumunod ang Stanford University, Massachusetts Institute of Technology at Harvard University. (Issa Santiago)