Aprubado na ang $600 milyong utang ng Pilipinas mula sa World Bank (WB) upang pondohan ang programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa digital transformation ng bansa.
Ipinahayag ng WB nitong Sabado, Setyembre 30, na inaprubahan ng Board of Executive Directors ang naturang halaga para sa First Digital Transformation Development Policy Loan ng Pilipinas.
Layon umano nito na gamitin ang panibagong utang sa WB upang itulak ang digital transformation ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga digital infrastructure.
Sa nasabing financing scheme umano itutulak ang mga pagbabago sa bansa tungo sa e-commerce at palalakasin pa ang kompetisyon ng mga kalahok sa digital services market.
Ayon sa WB, malaking bagay ang digital technology upang magkaroon ng mas maayos at transparent na serbisyo ng gobyerno.