Isa yata si Matteo Guidicelli sa napaka busy na artista ngayon .Bukod sa araw-araw niyang morning show na “Unang Hirit” at teleserye na “Black Rider” sa GMA 7 ay pasok din ang pelikula niyang “Penduko” sa Metro Manila Festival 2023.
Natanong tuloy ng press kung may time pa ba siya sa kanyang asawang si Sarah Geronimo
“Kahit busy ako ‘yun talaga ang priortity ko sa buhay ngayon bilang asawa. I want to be there all the time for my wife. We really flatten our schedule properly,” sagot ng aktor.
Inurirat tuloy siya kung may plano na ba silang magka-baby ?
“Pag -pray ninyo na sana, of course in God’s time. Wala pa sa ngayon pero sana talaga, in God’s time,” pakli ni Matteo
Samantala, na-pressure raw si Matteo sa movie niyang “Penduko” dahil first time niya raw sa Metro Manila Film Festival at siya pa ang bida.
Pinaghandaan niya raw ng husto ang karakter niya bilang si Pedro Penduko ng makabagong panahon. Bukod daw sa matinding mga fighting scenes ay may pa-topless din na aabangan ang mga manonood.
Makakasana ni Matteo sa pelikulang ito ang mga batikang actor na sina Albert Martinez at John Arcilla, kasama sina Candy Pangilinan, Phoebe Walker, Kylie, Verzosa, Mark Anthony Fernandez, Arron Villaflor, Andrea Del Rosario, Zombie Tugue atbp.
Sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana .Palabas ito sa December 25 under Viva Films.
(Allan Sancon)